Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dyesebel, nasulot ni Kim kay Jessy (Dahil may Maria Mercedes pa…)

“Si Kim (Chiu) na ba ang gaganap na Dyesebel?  ‘Di ba si Jessy Mendiola?” ito ang iisang tanong sa amin.

Base sa kuwento sa amin ng mga nakaaalam, si Jessy daw ang alam nilang gaganap base sa unang napag-usapan ng management ng ABS-CBN kaya’t nagtataka kung paano napunta kay Kim Chiu?

Baka raw kasi may umeereng Maria Mercedes si Jessy kaya hindi na itinuloy ang pagkuha sa kanya dahil sa Pebrero na raw ieere ang Dyesebel ni Mars Ravelo.

“Unang sinabi talaga si Jessy, tapos ngayon si Kim na, ano ba ‘yun, nakalilito?” sabi ng aming kausap na taga-Dos.

Eh, ‘di ba nga Kristine Hermosa pa rati ang sabi na hindi naman pala pinayagan ni Oyo Boy Sotto dahil magpapakita ng katawan ang asawa.

Bagay din naman kay Jessy na maging Dyesebel dahil seksi at malaman kung ikukompara kay Kim at hindi rin siya nalalayo sa mga gumanap na tulad nina Alice Dixson, Charlene Gonzales-Muhlach, Batangas Governor Vilma Santos-Recto at iba pa na pawang mga Tisay.

‘Yun nga lang, kung kasikatan ang pag-uusapan, mas hamak na sikat si Kim kompara kay Jessy o kay Julia Montes lalo na kung product endorsement ang tinitingnan na makatutulong ng malaki sa programa niya.

May nagsabing bagay din daw si Kathryn Bernardo ang papel na Dyesebel dahil sa amo ng mukha nito at sikat din lalo’t kumikita nang husto ang Pagpag nila ni Daniel Padilla, ang kaso, hanggang Abril pa ang Got To Believe at hindi kaya ng ng aktres ang maglagare at hindi rin siya pakakawalan ng unit ni Ms Malou N. Santos.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …