Friday , March 29 2024

Movies na pinagbibidahan ng mga starlet, lost na

TUMAAS din naman daw ang pangkalahatang gross ng Metro Manila Film Festival sa unang araw niyon ng 12% kung ikukompara sa kinita noong nakaraang taon. Pero wala naman silang mailabas na figures kung magkano talaga ang kinita ng mga pelikula.

Binanggit din nila na pinakamalaki ang kinita ng pelikula nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon. Pangalawa raw iyong Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Pangatlo ang pelikula ni Daniel Padilla, at pang apat iyong pelikula ni Eugene Domingo. Hindi na nila binanggit ang standings ng apat na iba pa. Ayaw nilang malaman kung sino talaga ang nabalolang sa apat na pelikulang ang kinita ay mas mababa sa level.

Totoo namang may nabalolang ding pelikula. Ang akala nga namin sa taong ito ay walang pelikulang mapu-pull out, dahil hindi naman sumali ang pull out queen. Pero noong ikalawang araw ng festival, na ayon sa rules ay hindi pa maaaring magkaroon ng palitan ng mga sinehan, napansin naming may pelikulang nabawasan na ng sinehan. Hindi nila inaamin iyan, pero nadaanan kasi namin ang sinehang pinaglalabasan ng pelikula noong araw ng Pasko. Noong sumunod na araw, iba na ang palabas. Ibig sabihin na-pull out din ang nabalolang na pelikula.

Hindi mo naman masasabing hindi uso ang mga youngstar, dahil kumita ang pelikula ni Daniel. Siguro ang masasabi nga lang natin, talagang hindi pa magsasayang ang mga Pinoy sa pelikulang ang bida ay mga starlet lamang.

Iyon naman ang sinasabi ng maraming observers. Makikita mo na ang mga pelikulang kumita ay iyon sa mga box office stars lang talaga. Ibig sabihin, sa pagdaraan ng mga panahon, patuloy na nabubuhay ang star system. Basta ang pinagsama-sama mo sa pelikula mo ay puro starlets, lost ka.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *