Thursday , April 25 2024

Humingi ng Tawad at Magpatawad

A Blessed 2014 po sa inyong lahat naming tagasubaybay dito sa Hataw!

May pasyente po ako noong Huwebes. First time po siyang nakarating sa clinic ko. Alam n’yo naman po na kahit nag-aral ako at nagtapos ng AM Medicine, pagkatapos ko pong mabasa ang medical record ay tinitingnan ko po ang pasyente upang malaman ang tunay na dahilan ng kanyang karamdaman. Siya po ay Lesbian. Bata pa po. Wala pang 30 anyos. Hindi naman niya sinabi sa akin na Lesbian siya. Kaya lang po sinabi agad sa akin ng kanyang “Gabay” o spirit guide ‘ika nga.

Deretso kong tinanong kaagad sa kanya sa marahang pananalita kung kailan siya huling nakipagtalik sa kapwa n’ya babae. Sinagot n’ya ako ng – “last week lang po.” Medyo nagulat ako dahil ang sakit po n’ya ay “Lung Cancer” stage 3!

Sa loob-loob … kung ako ang ganito kalala ang sakit, pagdarasal na lang ang aatupagin ko. Tiningnan ko po siya nang matagal at nakinig sa sinasabi ng kanyang “Gabay.”  Ang sabi po – KARMIC daw ang dahilan (KARMA) ng kanyang karamdaman. Sa katunayan, ang kanyang ama at ina ay patay na … ganoon din ang kanyang batang kapatid. Lahat ay maiigsi ang buhay. Sinabi rin sa akin ng kanyang “Gabay” na magkakamaganak, magpipinsan ang nag-aasawahan lalo na sa kanyang mother side. “Incestuous” kung sa wikang English. Tinanong ko po ang pasyente kung ito ay totoo. Sinabi po niya na tamang lahat ang sinasabi ko. Nag-uumpisa na po ang tuloy-tuloy na pagpatak ng kanyang mga luha. Awang -awa po ako sa kanya. Ipinaliwanag ko po sa kanya na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila ay nagkaganyan. Itinuro ko po sa kanya ang tamang pagdarasal. Hindi dapat nakahiga maliban na lamang kung nakaratay sa sakit at hindi makabangon. Magrosaryo. Isama ang Litany o Litanya dahil hindi buo ang Rosary kung hindi ito isasama. Humngi ng tawad, alalahanin at banggitin ang lahat ng kasalananng maaalala … magpakumbaba. Ihingi ng tawad ang kasalanan ng mga ninuno at magpatawad sa lahat ng kanyang kagalit at nakasamaan ng loob. Pagkatapos po nito, saka humiling na siya ay pagalingin sa kanyang karamdaman. Wala pong imposible sa Langit!

Umalis po ang aking pasyente na nagkaroon

ng pag-asa. Alam din n’ya kung ano ang kanyang mga pagkukulang. Silang dalawa na ng ating Panginoon ang bahalang mag-usap. Ako po ay nasa gitna lamang. Taga-deliver ng mensahe. Tagatulong ng kaluluwa na siyang higit na na nangangailangan ng pagsalba kaysa katawang lupa. May mga ganyan na pong nangyari na nang humingi ng tawad at nagpatawad at nagdasal nang buong puso at kaluluwa ay biglang gumagaling.

Ang paghingi ng tawad sa ating mga kasalanan

at pagpapatawad ay isang napakagandang gawin nating lahat ngayong bago pumasok ang Bagong Taon. Kasunod ang pangakong HINDI NA ITO UULITIN.

Maraming salamat po! Mahal ko kayong lahat! Welcome the year of the Horse!

Nagmamahal,

Dra Elizabeth Oropesa

Sa mga nais mag-appointment sa clinic, maaari pong tumawag sa mga numerong ito: 3853677. 4311147 or +639228155319

Dr. Elizabeth Oropesa Freeman

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *