Friday , April 26 2024

Barako vs RoS

IKATLONG sunod na panalo ang puntirya ng SanMig Coffee kontra Alaska Milk sa kanilang pagkikita sa  PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 8 pm sa Mall of Asia Area sa Pasay City.

Magtutuos naman ang Rain or ShiNE at Barako Bull  sa unang laro sa ganap na 5:45 pm.

Sa unang pagkakataon sa kasalukuyang season ay nagkaroon ng winning streak ang SanMig Coffee nang talunin  nito ang Barako Bull (90-88) at Globalport (83-80) para sa 3-5 record.

Subalit sinasabi ni coach Tim Cone na marami pa siyang kailangang ayusin sa kanyang koponan upang maipagpatuloy nila ang pag-angat sa standings.

Aniya, malaking bagay ang pagbalik buhat sa unjured list nina James Yap, Peter June Simon at Joe DeVance dahil sa hindi na mapupuwersa ang kanyang mga rookies.

Ang Aces ay may 3-6 record at galing naman sa 96-89 pagkatalo sa nangungunang Barangay Ginebra San Miguel.

Inamin n coach Luigi Trillo na hanggang ngayon ay nagtataka siya kung bakit sumasadsad ang kanyang koponan sa kabila ng pangyayaring walang pagbabagong naganap sa kanyang line-up.

Si Trillo ay patuloy na sumasandig kina Calvin Abueva, Cyrus Baguio, Sonny Thoss, JVee Casio at Dondon Hontiveros.

Ang Rain or Shine at Barako Bull ay kapwa galing sa panalo. Pinatid ng Elasto Painters ang seven-game winning streak ng Petron Blaze noong Linggo upang manatili sa ikaapat na puwesto sa record na  5-3. Pinatid naman ng Energy ang kanilang six-game losing skid nang iposte nila ang ikatlong panalo laban sa Meralco, 99-86 noong Linggo.

Ang Rain or Shine ay pinamumunuan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Beau Belga at Raymond Almazan.

Makakaduwelo nila sina Willie Miller, Ronjay Buenafe, Rico Maierhofer, Mick Pennisi at Dorian Pena.

(SABRINA PASCUA)

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *