Friday , March 29 2024

Lucky Fashion ni Ms. Marites, available na!

KAHIT ayaw niyang sabihin, mukhang tukoy na tukoy na namin kung sino ang nagregalo sa kanya ng katakot-takot na Louis Vuitton shoes dahil lang sa pagpu-feng shui niya sa tahanan ng celebrity na ito not so long ago.

“Very thoughtful and sweet naman siya talaga whenever. Nagulat lang ako. Imagine ilang pairs ‘yun. Sabi niya bigyan niya lang ako ng piso. Wala ako makitang piso. I gave P1,000. Naniniwala pala siya sa mga ganoon na when you gift someone with isinusuot sa paa, papalitan mo lang ng barya,” quipped the Feng Shui master Marites Allen nang samahan namin ito sa pagdalaw niya sa nagse-celebrate ng kanilang 12th year anniversary na Flawless in Megamall. Good friends pala sila ng owner nito na si Ruby Cuyoto.

Nag-share na rin kasi ng mga cure sa Year of the Wood Horse ang feng shui master na nagbibigay din ng babala sa mga gumagaya ng kanyang mga produkto sa branches ng kanyang World of Feng Shui sa iba’t ibang malls.

May gumawa na nga nito at nasadlak lang sa mga kasong estafa sa mga taong nakunan ng pera.

May isang relasyon din pala siyang pinanghihinayangan nang naghiwalay ng landas dahil nga hindi magkasundo ang kanilang mga animal sign pero itinutuloy na lang ang pagiging magkaibigan.

She did the feng shui of the celebrity’s home. Talagang nandoon na raw sa every nook and cranny ang mukha ng kasintahan nito. Pero talagang not meant to be. They decided to call it quits na lang.

Bukod sa mga cure na makikita sa kanyang shops, Ms. Allen came up na rin with her own line of lucky fashion na sa UK (United Kingdom) pa idinidisenyo ng kanyang London team called Frigga(Nordic Goddess). This was launched in London where she flew Ruffa Gutierrez to be its host.

Sa idinaos naman niyang feng shui convention in preparation for the coming Chinese New Year (January 31) ang kaibigan niyang si Kuya Boy Abunda ang nag-host nito.

After ng pag-welcome sa 2014, be ready na rin sa Kong Hei Fat Choy na mapapaaga.

(PILAR MATEO)

About hataw tabloid

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *