Thursday , April 25 2024

Kid Molave inihahanda sa 2014 Triple Crown Championship

Inihayag ni Horse owner Emmanuel Santos, na target ngayon ng kanyang alaga ang malalaking pakarera para sa susunod na taon 2014.

Kabilang sa paghahandaan ni Santos ang 2014 Triple Crown Championship matapos ang magaan na panalo nito sa 14th Philtobo Juvenile Championship na ginanap sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang Kid Molave ay nakitaan ng impresibong panalo para kunin ang tumataginting na premyong P1.7 milyon nang sungkitin ang nasabing titulo.

Nakitaan din ng impresibong panalo ang alaga ni Mayor Sandy Javier na si Barcelona matapos iwanan nito ng milya-milya ang mga kalaban sa nakaraang RIDGEMONT FEEDMILL & ALLTECH – PHILTOBO CUP.

Ang nasabing mananakbo ang hinuhulaang maghaharap ng mahigpit sa darating na Triple Crown sa 2014.

oOo

Lubhang may kahirapan ang karera ngayon araw kaya naman naisipan ng inyong lingkod na bahagian ko kayo ng konteng gabay sa inyong pananaya.

Mahigpit ang magiging labanan sa pagitan ng Bringer of Rain(6) at April Style(5) sa race 1, habang puwedeng tapunan ang mga kalahok na  Billy the Kid (6) at entry No.5 sa race 2.

Posible namang makaulit  ang Mucho Oro(4) laban kay Ultimate Paris (2)  sa race 3, habang masasabi kong nakalalamang ang  Face To Face (5) habang ang  Vermont (2) ay para sa mga dehadista sa race 4.

Maganda ang huling panalo ng Le Choice (1), sa huling takbo nito magsisilbing mahigpit na  kalaban  ang Hot Gossip (10) sa race 5. Gayundin naman ang  Eioneioneione (5) at Strategic Manila(1) sa race 6.

Posibleng mallamado ang Mighty Zeus (1) habang magsisilbing banta ang Queen Ramfire sa unahan sa race 7, at puwedeng lumagay kina Jenny’s Cat (4), Entry Number 3 sa race 8.

Maligayang pangangarera sa inyo mga suki!

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *