Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Arcilla kampeon sa PCA Open

Arcilla kampeon sa PCA Open

IPINAKITA ng 33-anyos na Johnny Arcilla na may asim pa ito pagdating sa hatawan ng bola.

TINAPOS ni Arcilla sa tatlong sets ang batang si Mark Reyes, 6-1, 6-4, 6-2 upang sungkitin ang titulo sa katatapos na 32nd Philippine Columbian Association (PCA) Open Tennis Championships sa PCA clay covered courts sa Plaza Dilao Paco, Maynila.

Nakopo ni top seed Arcilla ang halagang P100,000 event na sinuportahan ng Cebuana Lhuillier, Philippine Tennis Association, Dunlop, Pag-Ibig at Fujidenzo/Whirlpool.

Halos hindi nahirapan si Arcilla sa unang set at sa pangalawang canto ay nauna agad ito sa 5-1 iskor subalit binigyan pa rin siya ng magandang laban ni Reyes ng humataw ito ng tatlong sunod na puntos para idikit ang iskor sa 5-4.

READ MORE:  Pacquaio kay Mayweather: ‘Huwag na natin patulan’

“Gumanda ang palo niya sa 2nd set,” ani Arcilla na ibinulsa ang halagang P100,000.” Nahirapan ako kapag siya ang nagdidikta ng laro.”

Sa third set, umararo agad si Arcilla para ilista ang 5-0 bentahe bago umiskor ng dalawang sunod si No. 4 seed Reyes.

Unang hinataw ni Arcilla ang titulo sa PCA Open ay noong, 2001, nasundan ito sa 2006 hanggang 2009.

Nagkampeon rin si Arcilla noong 2011 at 2012.

“Mahalaga sa akin itong panalo dahil pang-walo ko na ito” ani Arcilla, na ayon sa kanya ay gumamit din siya ng utak para masabayan niya ang bilis ni Reyes.

READ MORE:  Pag-insulto kay Adeogun iimbestigahan

Sa distaff side, tinanghal na kampeon si Marian Jade Capadocia laban kay Anna Clarice Patrimonio, 6-1, 5-7, 6-4 upang masungkit ang tatlong sunod na titulo.

Inakala ng mga fans na tatapusin na ni 18-year old Capadocia ang laban sa second set dahil abante ito, 5-3, subalit biglang uminit si Patrimonio upang hatawin ang apat na sunod na panalo at makapuwersa ng deciding third set.

“Sa 1st set,  pinapasok ko ‘yung bola at pinapatakbo ko siya (Patrimonio) pero sa second set medyo may gigil kasi gusto ko nang tapusin ang laban,” wika ni Capadocia na sinungkit ang pangatlong titulo sa nasabing liga.

READ MORE:  International motocross, gaganapin sa Abra

Nasa unahan ang anak ni former four-time PBA MVP Alvin Patrimonio na si Anna Clarice, 4-3 sa set three subalit hindi nawalan ng kompiyansa si Capadocia kaya siya naman ang rumagasa para tapusin ang laban.

“Kailangan ko pang lumaban kahit lamang siya (Patrimonio) kasi hindi pa tapos ‘yung laro,” saad ni Capadocia na binabalak mag-aral ng kolehiyo sa Europe.

Dahil sa panalo, binulsa ni Capadocia ang P50,000 na premyo at tapatan ang tatlong titulo ni dating kampeon Sarah Rafael, (1986, 1987, 1988).

Si Czarina Arevalo ang may pinakamaraming kampeonatong nakuha, (2002, 03, 05, 07, 09). (ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved