Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bilanggo habambuhay vs aborsyon

Bilanggo habambuhay vs aborsyon

PAPATAWAN na nang mas mabigat na parusa ang sino mang magsagawa o masasangkot sa aborsyon.

“Fetuses have been found in garbage cans, thrown and abandoned by their mothers only to be discovered by unknown and concerned citizens and reported by the media,” malungkot na pahayag ni Rep. Amado Bagatsing (5th District, Manila), na siyang may akda ng House Bill 3201.

READ MORE:  Gobyerno guilty (INC absuwelto sa pakikialam ng estado sa simbahan)

Nakasaad sa panukala, habambuhay na pagkakakulong ang magiging parusa sa gagamit ng dahas para lamang maipalaglag ang dinadala ng isang buntis, kung wala namang dahas na naganap para maisakatuparan ang aborsyon ngunit walang permiso sa babae, pagkakakulong ng 12 taon hanggang 20 taon ang ipapataw, habang 6 taon hanggang 12 taon ang parusa sa babaeng ginusto talaga ang magpalaglag.

READ MORE:  Dalagita hinalay sa himlayan

Samantala, isang buwan hanggang anim buwan pagkakakulong naman sa sino mang gumamit ng dahas na naging dahilan upang malaglag ang dinadala ng isang buntis.

“We have to give more flesh to this constitutional right of the unborn.  This bill recognizes the unborn child’s basic right to life and the need to be protected against acts which pose danger to his/her life, bearing in mind that the unborn child is totally incapable of protecting himself/herself,” pagtatapos ni Bagatsing.

READ MORE:  Lamay hinagisan ng granada, 6 sugatan

(JETHRO  SINOCRUZ)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved