Thursday , April 25 2024

Taho vendor kalaboso sa hostage (Anim na buhay nanganib sa LPG)

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Taguig City Police ang anim katao kabilang ang apat na bata na ginawang hostage ng isang taho vendor sa loob ng kanilang bahay sa naturang lungsod kahapon ng tanghali.

Halos tatlong oras ang inabot bago nailigtas ang mga hostage na sina Tristan Subilio, 15-anyos; mga  kapatid na sina Luis, 13; Bonbon, 10; at 2-anyos na bunso; pinsan na si Diane, 18; at 30-anyos yaya na si Mae.

Isinugod sa pagamutan sakay ng ambulansya ang hostage taker na kinilalang si Rael Aquino, alyas JR, ng Tenement, Brgy. Western Bicutan.

Sa ulat, dakong 12:30 ng tanghali nang pumasok ang suspek sa bahay ng mga Subilio at ginawang hostage ang anim katao gamit ang dalawang patalim sa ikatlong palapag ng bahay sa Block 11, Lot 17 Brgy. Pinagsama.

Ayon sa kapitbahay na si Virgie Benjamin, kakilala niya ang salarin na unang nagpunta sa kanya para humingi ng tulong sa problema sa kanyang misis bukod pa sa mayroon umanong humahabol na lalaki at papatayin siya.

Nang hindi pansinin ni Benjamin, agad pumasok ang salarin sa bahay ng mga Subilio at isinagawa ang pag-hostage sa mga biktima.

Tinangkang maki-pagnegosasyon ng pulisya kay Aquino ngunit tanging ama ng mga biktima na si Von Subilio ang kinakausap ng salarin.

Dakong 4:00 ng hapon nang buksan ng salarin ang tangke ng gas sanhi upang mag-panic ang mga hostage.

Ani Subilio, nang marinig niya ang mga anak na nagpa-panic, nagpasya siyang pasukin ang bahay at nakipambuno sa salarin katulong ang ilang anak.

Sumunod na rin ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics unit hanggang nakontrol ang hostage taker.

Itinanggi ng pulisya na nabaril nila ang hostage taker na isinugod sa pagamutan dahil sa mga sugat na resulta sa pakikipagbuno. Inaalam rin kung nasa impluwensya ng ilegal na droga ang suspek.

Personal na tinutukan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang insidente at kanyang pinapurihan ang ama ng mga biktima dahil sa tapang at “presence of mind” gayon din ang kanyang mga tauhan sa Taguig City Police sa matagumpay na rescue operation.

Sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek upang hindi tularan.      (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *