Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice, ginantihan si Arnold (Sa pag-spoof sa interbyu sa isang abogado)

Vice, ginantihan si Arnold (Sa pag-spoof sa interbyu sa isang abogado)

TILA napagtripan ni Vice Ganda na paglaruan ang issue kay Arnold Clavio.

Sa It’s Showtime ay mayroong segment na ginaya ng hitad ang mga dialogue ni Arnold habang kausap niya kunwari ang isang atorney sa telepono.

Binitawan ni Vice ang mga dialogue na sinabi ni Arnold sa kausap niyang lawyer.

Obviously, gumaganti itong si Vice since naging maanghang ang batikos sa kanya ni Arnold noong kasagsagan ng rape joke controversy niya kay Jessica Soho.

Malaman at talaga namang mainit ang mga binitawang salita ni Arnold laban kay Vice Ganda noon.

Pero tila nakakuha ng opportunity si Vice na makaganti after umani ng batikos si Arnold after his interview with the lawyer of Janet Napoles.

Noong una, hindi pa aware si Vice kung bakit nag-trend si Arnold kaya naman super tanong siya sa kanyang followers sa Twitter. When somebody showed him the link of Arnold’s interview ay noon pa lang niya nalaman ang lahat.

READ MORE:  Paghahari nina Piolo at Toni sa takilya, maulit pa kaya?

Apparently, Vice wasted no time in taking a swipe at Arnold. Noong una, ginawa niya ito through a T-shirt with this message: ”DEAR KARMA: I HAVE A LIST OF PEOPLE YOU MISSED.”

At nang hindi siya siguro makatiis ay ginawa nga niya ang tila spoof sa interview ni Arnold.

With what he did ay amanos na sila ni Arnold!

Kaya lang, marami naman ang nag-iisip na hindi rin maganda ang ginawa ni Vice. Kumbaga, may malisya siya dahil alam naman ng lahat na inokray siya ni Arnold noon dahil sa rape joke scandal. So, noong ginawa niya ang parody kay Arnold ay naisip din ng marami na gumaganti lang siya saGMA news anchor.

READ MORE:  Suka ni Ryza Cenon,kinain na parang kanin

So, bastos sa bastos ba ang naging labanan ng dalawa?  We think so!

Hubad na picture ni Sarah, ikinakalat ng basher

GRABE naman ang basher ni Sarah Geronimo. Maski wala namang kasalanan ang dalaga ay ginawan niya ito ng photo scandal.

Nakita namin sa isang website ang isang photo na halatang-halata na hindi naman si Sarah.

Nakahubad ang isang babaeng nakapatong sa isa ring hubad na lalaki. Obvious na ipinatong lang ang ulo ni Sarah sa nasabing photo.

Sino kaya ang may gawa niyon? Bakit parang matindi ang galit niya sa Popstar?

Anyway, wala namang naniniwala na si Sarah nga ang nasa photo. Sorry na lang sa nagpakalat niyon dahil isa siyang napakalaking BOBO!

READ MORE:  Patuloy na sinisiraan si Alex Gonzaga!

Still on Sarah, tila mayroon nga silang romantic something ni Matteo Guidicelli. Kasi naman, madali naman niyang sabihin na hindi sila kung talagang wala silang relasyon, ‘di ba? Pero itong si Sarah, panay ang iwas at walang direktang pag-amin o pagtanggi sa namamagitan sa kanila ng actor-racer.

With that ay marami ang nagsasabing mayroon ngang namumuong romance between them.

At ito rin namang si Matteo ay ganoon din ang drama.

Ang pinakaabangan ngayon ay kung magbibigay ng suporta itong si Matteo sa nalalapit na anniversary concert ni Sarah. Marami ang nag-aabang kung aapir siya sa concert ng Popstar.

Alex Brosas

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved