Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tinedyer nagbigti sa BFF ni mommy (Pinagtanim ng pandan)

Tinedyer nagbigti sa BFF ni mommy (Pinagtanim ng pandan)

NAGBIGTI ang isang 15-anyos estudyante sa loob ng bahay ng kaibigan ng kanyang ina kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Patay na nang madiskubre ni Gemma Tredes ang bangkay ng anak na si James,  nakabigti ng nylon cord sa bahay ng kaibigang si Jilda Nuylan, sa J. Ramos St., Brgy. Ibayo, Tipas.

READ MORE:  Trump nahalal na 45th US president

Sa imbestigasyon nina POs1 Darwin Allas at Victor Amado Biete ng Taguig police, isinama ni Gemma ang anak sa bahay ng kaibigan kamakalawa ng umaga upang magtanim ng pandan sa bakanteng lote.

Dakong hapon, iniwan ng ginang ang anak upang sunduin ang isa pang anak sa isang Catholic school sa Pasig City.

READ MORE:  PNoy lumabag sa batas sa Oplan Exodus (Ayon sa law expert)

Nang balikan ng ginang si James dakong 7:00 ng gabi upang isama  pauwi, laking-gulat niya nang makitang nakabigti na ang binatilyo.

Napag-alamang sinundo ni Gemma ang anak sa Cavite upang sa Pateros pag-aralin nang matuklasan na lagi umanong matamlay ang anak

READ MORE:  Martial law todo-puwersa vs NPA — Palasyo

Salaysay ni Gemma sa pulisya, masikreto ang kanyang anak at hindi nagsasabi ng kanyang nararamdaman kaya’t blanko pa sila sa motibo ng pagbibigti nito. (JAJA GARCIA)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved