Thursday , April 25 2024

Panalo ang Ginebra kay Slaughter

BALI-BALIGTARIN man ang mundo at paulit ulit na timbangin ang pros at cons, aba’y napakahirap namang ipikit ang mata at huwag piliin bilang No. 1 ang seven-footer na si Gregory Slaughter sa 2013 PBA Rookie Draft kahapon!

Kahit na anong mangyari, aba’y hindi puwedeng hindi kunin ng Barangay Ginebra San Miguel si Slaughter!

Kasi nga’y mayroong nagsasabi na puwede rin naman daw maging No. 1 pick si Ian Sangalang na isang dating Most Valuable Player sa National Collegiate Athletic Association.

Marami na rin naman daw napatunayan si Sangalang hindi lang sa NCAA kungdi pati na rin sa PBA D-League kung saan  naging bahagi siya ng apat na kampeonatong napanalunan ng NLEX Road Warriors.

Puwede rin daw si Raymund Almazan na isang two-time defensive Player of the year sa NCAA at malamang na maging MVP sa taong ito.

Kaya naman may negatibong argumento kay Slaughter na  bunga ng pangyayaring natalo ang NLEX sa Blackwater Sports sa nakaraang Foudnation Cup.

Hindi kasi nakaporma si Slaughter nang bantayan siya ni Justin Chua na kakampi niya sa Ateneo. E, hindi nga ba’t si Slaughter ang star ng Ateneo at karelyebo lang niya si Chua?

So, Kung kaya ni Chua na pigilan si Slaughter, aba’y kakayanin din ng ibang big men ng PBA na gawin ito.

Pero teka, teka.

Kapag ikaw ba ay lumabas sa kalye ay makakakita ka kaagad ng seven-footer?

Yun ang tanong na kailangang sagutin kung palalampasin si Slaughter.

Hindi, ‘di ba?  At bata pa naman si Slaughter. Mahaba pa ang panahon para mag-improve ang laro nito.

Hindi porke’t natalo ito kay Chua sa nakaraang laban nila ay palagi na lang siyang matatalo.

Makakabawi din siya!

At sa pagbawi niya, aba’y panalo ang Barangay Ginebra!

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *