Friday , April 19 2024

Sino ang susungkitin ng Ginebra?

PARANG tumama sa lotto ang Barangay Ginebra san Miguel sa pangyayaring nakamit nito ang No. 1 pick overall sa darating na 2013 PBA Rookie Draft na gaganapin sa Nobyembre 3 sa Robinson’s Manila.

Dinaig ng Air 21 ang Global Port sa isang loterya para sa No. 1 pick noong Biyernes. Ang siste’y naipamigay na ng Express ang pick na ito sa Gin Kings sa pamamagitan ng isang trade bago pa nagsimula ang kasalukuyang season.

Inaasahang gagamitin ni Barangay Ginebra coach Alfrancis Chua ang pick sa pagkuha ng isang higante sa Draft.

Mamimli si Chua kina Gregory Slaughter, Ian Sangalang at Raymong Almazan.

Si Slaughter ay isang seven footer na tumulong sa Ateneo Blue Eagles na makamtan ang kanilang huling dalawang kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines. Naging kandidato din siya sa Gilas  Pilipinas squad na sumegunda sa nakaraang FIBA Asia men’s basketball championship.

Si Sangalang ang Most Valuable Player ng National Collegiate Athletic Association noong nakaraang taon. Naglaro siya sa San Sebastian College kung saan naging kakampi niya si Calvin Abueva na ngayo ay naglalaro sa Alaska Milk.

Si Almazan ay isang 6-8 sentro na kasalukuyang naglalaro sa Letran Knights na nangunguna sa 89th NCAA season. Isang two-time defensive Player of te Year ng liga, si Almazan ngayon ang frontrunner para sa MVP award ng NCAA.

Huling napasakamay ng Gin Kings ang top pick ng Draft noong 1996 nang kunin nila ang 6-9 na si Marlou Aquino.

Ang iba pang notable names sa listahan ng mga aplikante ay sina  Niko Salva, Jake Pascual, Matthew Ganuelas at Kevin Alas na pawing manlalaro ng  four-time PBA D-League champion NLEX Road Warriors.

Ang deadline ng pagsusumite ng  application ay bukas, Oktubre 18.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *