Tuesday , April 23 2024

Int’l cosplayer na si Jayem, walang kayabang-yabang sa katawan

DALAWANG araw kami nagpunta sa ginanap na Cosmania sa SMX. Ang daming tao at napakasaya. Iyong mga cosplayer parang walang alam na problema. At least sa bahaging iyon ng Pilipinas noong dalawang araw na iyon, walang pinag-usapang pork barrel, hindi nabanggit ang mga politikong ayaw bumitaw sa kanilang pork barrel dahil pinakikinabangan nila. Basta ang mga tao roon, masaya lang.

Nakita namin ang international cosplayer na si Jayem Sison, na noong nakaraang Agosto ay pinarangalan bilang living legend ng cosplay sa AnimeKon na ginaganap taon-taon sa Barbados. Iyan ang pinakamalaking anime group sa buong Caribbean Peninsula at sa mga bansa sa Latin America. Isa rin iyan sa pinakamalaki sa buong mundo. Siyempre ang pinakamalaki ay sa Japan  na talagang nagsimula iyang anime.

Simple lang si Jayem, walang kayabang-yabang, at nakita namin talagang iniidolo siya ng maraming cosplayers na kababayan natin. Iba rin talaga ang dating ng kanyang mga costume, talagang pinaghandaan. May umuusok pa talaga sa costume niya bilang si Erin ng Shingeki no Kyolin. Impressive. Noong first day, ang costume niya ay si Portgas d’ Ace ng One Piece. Iba talaga ang costumes niya, hindi kagaya niyong ibang pinagtagpi-tagpi lang.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Blind Item, Men

Male starlet ‘sumisingaw’ na videos kasama ng mga customer na bading

ni Ed de Leon MAGANDA ang sideline ng isang male starlet. Tambay lang siya sa isang watering …

Kristine Hermosa Jericho Rosales

Kristine ‘di feel makatrabaho si Jericho

HATAWANni Ed de Leon BAKIT parang bantulot si Kristine Hermosa nang sabihin sa kanyang gusto siyang makasamang …

Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kathniel

Daniel bumaba ang TF nang mahiwalay kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon NATATAWA kami noong isang araw sa isang blog, na nagsasabi kung …

Vilma Santos

Ate Vi karapat-dapat tanghaling National Artist

HATAWANni Ed de Leon HINDI naghahabol si VIlma Santos na matawag siyang National Artist. Katunayan,  sa tuwing sasabihin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *