Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Chinoy trader nakitang patay sa hotel

Chinoy trader nakitang patay sa hotel

Patay  na nang madiskubre ang isang Filipino-Chinese businessman  sa loob ng inuukupahang kuwarto ng isang hotel kahapon ng hapon sa Pasig City.

Kinilala ni P/Chief Insp. Glen Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section ng Pasig PNP ang biktimang si Yee Ching Chua, 57, may asawa, residente ng #2832 Park Avenue, Pasay City.

READ MORE:  P6-M smuggled sugar nasabat sa motorboat sa Zamboanga

Sa ulat, dakong 3:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa room 2601 ng Astoria Hotel na matatagpuan sa Escriva Drive, Brgy. San Antonio ng nasabing lungsod.

Ayon sa record, ang biktima ay nag-check-in mag-isa sa nasabing hotel noong Sept. 29, 2013 at nakatakdang mag check-out kahapon kung kayat kinatok ng mga tauhan ng nasabing hotel.

READ MORE:  P10 pasahe sa jeepney tuloy na sa Nobyembre

Nabatid kay Edgardo Vargas, house officer ng nasabing hotel  na walang sumasagot sa kuwarto ng biktima kahit pa tawagan nila sa telepono kung kayat napilitan silang distrongkahin ang pinto at laking gulat nila nang tumambad ang nakahandusay na bangkay.

READ MORE:  Baguio temperature bumagsak sa 11.5°C

Ang bangkay ni Chua  ay nakalagak sa Quiogue  Funeral Homes at wala namang palatandaan na nagkaroon ng foul play nang sumailalim sa   awtopsiya ang bangkay nito.

(MIKKO BAYLON)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved