Thursday , December 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Biyudo patay, 2 pa sugatan sa B-day party (Umawat sa away)

Biyudo patay, 2 pa sugatan sa B-day party (Umawat sa away)

DINILIG  ng dugo ang masayang birthday party matapos magwala ang isang bisitang criminology student at pagsasaksakin  hanggang sa mapatay ang isang biyudo at malubhang nakasugat sa dalawang kaklase kabilang ang birthday boy kamakalawa ng gabi sa Caloocan City .

Dead on arrival sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Rizalito Tan, 50-anyos, residente   ng # 404 C-3 Road , Brgy. 22, ng nasabing lungsod sanhi  ng maraming tama ng saksak sa katawan.

READ MORE:  Abaya, Honrado kinasuhan sa ‘tanim-bala’ controversy

Patuloy namang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sina  Donald Guzman, 21-anyos at birthday boy na si Terrence Arguelles, 23 at kalugar ng napatay na pawang criminology student.

Aarestado ang suspek na si Mar Morales, 24-anyos, ng Block 1, Lot 27 ng nasabing barangay at kaklase nina Guzman at Arguelles.

READ MORE:  Pagtalakay sa 3 impeachment vs PNoy iniliban

Sa ulat ni PO2 Cesar Garcia, may hawak ng kaso, 11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga biktima sa nasabing barangay.

Bisita  umano ni Arguelles na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang suspek at habang nag-iinuman ay nauwi sa mainitang pakikipagtalo sa kanyang mga kaklase.

READ MORE:  21 NDF consultants tinutunton ng AFP

Dito naman nagising ang natutulog na si Tan at dahil siya ang nakatatanda ay pilit nitong inaawat ang nagwawalang suspek kung saan siya ang unang napagbalingang pagsasaksakin na naging sanhi ng kamatayan ntio.

Pilit inaawat ng dalawang kaklase ang suspek subalit sila man ay pinagsasaksak nito na malubha nilang ikinasugat dahilan upang isugod sa nasabing pagamutan.

(rommel sales)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved