Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Parking attendant itinumba sa Binondo

Parking attendant itinumba sa Binondo

PATAY ang isang parking attendant nang barilin sa nakaparadang tricycle habang umiinom ng kape sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Binawian ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Albert Monteroso, 31, ng Gate 46, Parola Compound, Binondo habang mabilis namang tumakas ang suspek na si Joed Zapues, ng Area C, Parola Compound sa nasabi ring lugar.

READ MORE:  30 pulis positibo sa droga, sinibak (Sa Northern Mindanao)
READ MORE:  Digong naiyak sa pagkawala ng 2 apo

Sa imbestigasyon ni SPO3 Glenzor A. Vallejo ng Manila Police District Homicide Section, dakong 5:15 a.m. habang nakaupo ang biktima sa nakaparadang tricycle sa harap ng barangay headquarters sa Brgy. 272, Zone 25, nang dumating ang suspek at agad binaril sa kanang dibdib at kaliwang bahagi ng mukha si Monteroso na noon ay umiinom ng kape.       (LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved