Sunday , September 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P.5-M ransom sa dinukot na trader

P.5-M ransom sa dinukot na trader

ZAMBOANGA CITY – Dinukot ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFRG) ang isang negosyante sa bayan ng Aurora, lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Sa report na ipinalabas ng Police Regional Office (PRO-9), kinilala ang dinukot na negosyante na si Lee Tan, 37-anyos at residente ng Pagadian City.

Ayon kay PRO-9 spokeman C/Insp. Ariel Huesca, bandang 4 p.m. kamakalawa nang mai-report sa Pagadian City Police Station ng misis ng biktima na si Melfe Tan ang insidente matapos niyang madiskobre ang pagdukot sa kanyang asawa.

Sinabi ni Huesca, ang mag-asawang negosyante ay nagmamay-ari ng isang malaking tindahan sa Agora Complex, Pagadian City.

Ayon sa misis ng dinukot na negosyante, bandang tanghali kamakalawa nang umalis ng kanilang bahay ang kanyang mister at nagpaalam na pupunta sa bayan ng Aurora para magbayad ng utang sa isang tao.

Dagdag ni Mrs. Tan, bago pa man ang insidente ng pagdukot ay nakausap pa niya ang mister ngunit makalipas ang ilang oras ay hindi na niya makontak ang cellphone ng biktima. (HNT)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved