Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 7 menor de edad nasagip sa 2 bugaw

7 menor de edad nasagip sa 2 bugaw

NASAGIP ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignments (MASA) ang pitong kabataang babae habang dalawang bugaw ang naaresto kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay  Chief Insp. Bernabe  Irinco, Jr., hepe ng MASA, ang pitong dalagita, edad 14 hanggang 15-anyos ay dinala sa Manila Youth and Rehabilitation Center habang ang dalawang bugaw na kinilalang sina Marinel Reyes at Russel Salonga ay kasalukuyang iniimbestigahan.

READ MORE:  Midnight reso sa DoJ tinutukan
READ MORE:  PNR pinalawig ng 25 taon sa Senado

Sinabi ni Irinco, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa laganap na prostitusyon sa parking area ng isang restaurant sa Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila.

READ MORE:  Power blast posible sa Mayon — Phivolcs (‘Pag lumaki ang lava dome)

Agad nagsagawa ng entrapment ang mga tauhan ni Irinco at nadakma ang dalawang bugaw habang nasagip naman ang mga dalagita. (LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved