Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 3 bagets nilamon ng Laguna Lake

3 bagets nilamon ng Laguna Lake

TATLONG kabataan ang nalunod nang maligo sa Laguna Lake nitong Sabado.

Kinilala ang mga biktimang sina Regelyn Policarpio, 11; John Patricio, 13; at Abigail Babon, 14.

Ayon sa salaysay ng biktimang nakaligtas na si Mary Grace Dublon, nagkayayaan silang magkakaibigan na maligo sa Laguna Lake nitong Sabado ng umaga.

Magkakahawak-kamay kamay sila habang nagkakasayahan sa lawa nang isa sa kanila ang madulas at mawalan ng balanse kaya isa-isa silang lumubog sa tubig.

Sinabi ni Dublon na mabuti na lamang at may sumagip sa kanya nang maganap ang insidente. (BETH JULIAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved