Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 bus sinilaban sa Pangasinan

2 bus sinilaban sa Pangasinan

100713_FRONT

DAGUPAN CITY – Muntik naabo ang dalawang Five Star Bus sa terminal nito sa Brgy. Tempra Guilig sa bayan ng San Fabian, matapos silaban ng mga armadong lalaki sa lalawigan ng Pangasinan.

READ MORE:  Aresto vs Bong, 32 pa iniutos ng Graft Court

Ayon kay C/Insp. Roland Sacyat, hepe ng San Fabian PNP, dakong 6:45 p.m., may tumawag sa  himpilan  ng  PNP  upang iparating ang panununog sa mga bus.

READ MORE:  3 studes tinubo mag-utol na sekyu kalaboso

Agad nagresponde ang mga awtoridad ngunit hindi na naabutan ng mga pulis ang mga suspek.

Mabilis na naapula ang apoy sa harapan at tagiliran ng mga sasakyan. Wala namang nasaktan sa pangyayari.

READ MORE:  65-anyos top-ranking NPA leader arestado sa Bohol

Nabatid na diario na may halong gasolina ang ginamit na pansunog ng armadong mga lalaki.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Ni JAIME AQUINO

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved