Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-uutol na Bombay inambus, 1 patay

Mag-uutol na Bombay inambus, 1 patay

PATAY ang isang Indian national at sugatan ang kanyang dalawang kapatid nang tamba-ngan ng riding-in-tandem sa Unisan, Quezon.

Binawian ng buhay bago idating sa pagamutan ang biktimang si Herjinder Singh, 37.

READ MORE:  Libel vs Yap et al ibinasura (Dahil sa maling hurisdiksiyon)

Ginagamot naman ang dalawang kapatid ng biktima na sina Ja-tinder, 27, at Gurpreet, 23, pawang tubong Moga, India, at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Poblacion 9, Catanauan, Quezon.

READ MORE:  Tserman, 10 pa tiklo sa drug raid sa Pasay

Nabatid na sakay ng itim na Toyota Vios ang magkakapatid nang huminto sa tindahang pagmamay-ari ng isang Consuelo Rodil para mangolekta ng pautang.

Nang pasakay na si Gurpreet sa sasakyan ay biglang dumating ang dalawang suspek na sakay ng motorsiko at pinaputukan ang mga biktima.

READ MORE:  71-anyos ina nagbigti (May sama ng loob sa anak)

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril sa mga biktima. (BETH JULIAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved