Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / News / TRO walang epekto sa reporma ng BoC

TRO walang epekto sa reporma ng BoC

Binigyang-DIIN ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon na nakahanda silang tumalima sa kautusan ng Manila City Regional Trial Court matapos magpalabas ng 72-hour temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang ipinapatupad na revamp sa ahensiya.

READ MORE:  P303.08-B infra projects aprub sa NEDA

Sa panayam kay Biazon, kanyang inirerespeto ang desisyon ng korte na aniya’y wala naman epekto sa isinusulong na pagbabago ng kawanihan sa ilalim ng kanyang liderato. Kaugnay nito, inihahanda na rin ng Department of Finance (DoF) at BoC ang kanilang magiging reply sa korte kasunod ng naging petisyon ng nasa 15 dating Customs collector na nagpasaklolo  sa korte.

READ MORE:  Suspek sa pagpatay, pagsunog sa bebot sa Zambales, nasa US na

Iginiit ni Biazon, na ang kautusan na ipinapatupad sa ahensiya ay bahagi lamang ng reporma sa kagawaran na nais nitong isulong na naging kontrobersiyal noon sa huling SONA ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

READ MORE:  Sekyu nahulog mula 8/F patay (Sirang elevator binuksan)

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved