Thursday , April 25 2024

China’s Li Bo kampeon (Hong Kong Open Chess)

Nagpakitang gilas si Li Bo ng China matapos tanghaling kampeon sa Hong Kong International Open Chess Championships 2013 na ginanap sa Convocation Room, Main Building room 218, The University of Hong Kong, Pok Fu Lam Road, Hong Kong.

Nakalikom si Li ng 7.5 puntos sa pagtatapos ng laro, may tatlong manlalaro naman ang nakaipon ng tig 7.0 puntos na kinabibilangan nina top seed International Master Marcos Llaneza Vega ng Spain (2nd place), Grandmaster Wong Meng Kong ng Singapore (3rd place) at National Master Nelson Villanueva ng Pilipinas (4th place).

Sa crucial ninth at final round nitong Martes, may matinding tensiyon na naganap sa top board games kung saan may limang manlalaro na nakatutok sa coveted championships’ trophy.

Nasayang lamang ang kalahating puntos na angat ni overnight leader IM Llaneza Vega matapos makalasap ng talo  kay GM Wong na nagbigay daan kay Li na makopo ang titulo ng ikamada ang panalo  sa kababayang si Zhang Xiaopeng.

Si Villanueva na tubong Bacolod City ay nakaungos sa kababayang si Fide Master Hamed Nouri at sapat para makisalo sa ika-2 puwesto sa 69 player’s field na nilahukan ng mga manlalaro na galing sa bansang Pilipinas, China, Spain, Japan, Indonesia, Singapore, Chinese-Taipei, Republic of South Africa, Vietnam, Malaysia, Australia, Macau, Nepal at Hongkong.

Nito lamang nakaraang buwan ay tumapos si Villanueva ng strong runner-up finish sa Sabah Grande Chess Open 2013 sa Sabah, Malaysia na pinagharian naman ni Filipino IM Oliver Dimakiling ng Davao City.

Sa isang banda, nagwagi sina National Masters Roel Abelgas at Deniel Causo ng Pilipinas sa kani-kanilang katungali sa final canto tungo sa 5th hanggang 6th places na may tig 6.5 puntos.

Si Abelgas ang 2013 Malaysian Chess Festival Blitz Champion nitong Agosto sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nanatili naman si Nouri sa 5.5 puntos na kaparehas na naitala ni Woman Fide Master Marie Antoinette San Diego na kinaldag si Lai Cyrus Ho-Yeung ng Hongkong.

Si Nouri, tubong Escalante City, Negros Occidental at kasalukuyang nakabase sa Taguig City ay overall 10th place habang si San Diego ay overall 15th place matapos ipatupad ang tie break points.

Tabla lamang ang nangyari sa laban ni World Youngest Fide Master at Seven Year Old Alekhine Nouri ng Pilipinas kontra kay Mark Law ng Hong Kong tungo sa overall 40th place finish na may apat na puntos.             (Lovely Icao)

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *