Thursday , April 18 2024

Up and Away, River Mist ‘nalo sa 3rd Leg Juvenile

TINANGHAL  na kampeon sa magkahiwalay na dibisyon sa katatapos na 3rd Leg Juvenile Stakes race  ang  Up and Away at River Mist sa ginanap na karera sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite kamakalawa ng hapon.

Kapwa tumanggap ng tig-P.6 milyon na premyo sina Horse Owner Ruben Dimakuha para sa kanyang alagang Up and Away at Horse Owner Ex Congressman Jeci Lapuz, ng Stormbred Farm Inc.  para naman sa pagkakapanalo ng kanyang alagang si River Mist.

Unang binigo ni Up and Away ang super llamadong si Kukurukuku Paloma na nangulelat sa laban dahilan upang magbigay ng malaking dibidendo na mahigit sa P54,000 sa quartet event mula sa anim na kalahok na naglaban-laban sa tagpo ng Fillies Division.

Pumangalawa sa laban ang dehadong Roman Charm ni Cong Lapuz  na tumanggap ng P225,000 at pumangatlo  si Priceless Joy na pinagkalooban ng P125,000  at pang apat sa datingan ang alaga ni horse owner Raymond Puyat na si Pure Enjoyment, na nagkamit naman ng premyong P50,000.

Sa pagbukas pa lang ng starting gate ay hindi na nakaporma ang Kukurukuku Paloma sa patnubay ni Jockey Val Dilema nang kunin ni Jockey Jonathan Hernandez ang unahan na siyang may dala kay Priceless Joy habang agad naman kinuha ang ikalawang puwesto ng Up and Away.

Naging mahigpit ang labanan ng dalawang nasa unahan habang nakabuntot bilang pangatlong puwesto si Roman Charm at Kukurukuku Paloma hagang sa kunin ang liderato ni Jockey Marl Alvares para ihatid sa tagunpay ang Up and Away.

Ipinakita ni Jockey Jeff Zarate ang kanyang husay sa ibabaw ni River Mist mula sa mahigpit nitong katunggaling Matang Tubig sa huling 50 meters na karera para sa Colts Division  na lubhang nagpaangat sa mga puwetan ng mga kareristang nakasaksi sa laban.

Pumangatlo sa puwesto ang alaga ni Hermie Esguera habang pumang-apat sa puwesto ang Young Turk ng Lapus stable.

Inaasahan ang mga naturang kalahok na  maghaharap sa Juvenile championship na gaganapin bago matapos ang taon.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Smart Asian Volleyball Confederation Nuvali

Asia’s beach volleyball squads maglalaban sa Smart AVC Beach Tour Nuvali Open

ELITE action returns sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa at ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *