Friday , April 26 2024

COA niratrat

PINAULANAN ng bala ang main office ng Commission on Audit (COA) sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Sr/Supt. Richard Albano, dalawang bullet slugs ang narekober sa opisina ni CoA Assistant Director Nilda Plaras.

“Iyong mga nandoon sa kabila, mga 6 ‘o clock, may narinig na apat na putok. So ang nangyari nito, ang impression natin, may dumaan at pinaputukan ang building,” pahayag ni Albano.

Sinabi ni Albano na iniulat sa kanila ang insidente  dakong 8:30 a.m. Sa pagresponde ng mga awtoridad ay naabutan nilang wasak ang glass windows ng opisina ni Plaras.

Ani Albano susuriin nila ang closed-circuit television (CCTV) camera sa Commonwealth Avenue kung nakunan ang mga suspek. Idinagdag niyang mayroon nang testigo ang pulisya na makatutulong sa imbestigasyon.

Sa pahayag ni CoA chief Grace Pulido Tan, sinabi niyang ipinauubaya nila sa Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa kaso. Aniya, hindi sila agad maglalabas ng conclusions upang hindi maapektohan ang pagsisiyasat.

“In any case, we will not allow this incident to cow us into silence nor defer us from faithfully discharging our constitutional duty. We owe this to God and the Filipino people. Please pray for the safety of every man and woman in the Commission and for continued courage and integrity,” pahayag ni Tan.

Naganap ang insidente sa kasagsagan ng imbestigasyon sa pork barrel scam na kinasasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim Napoles at ilang mambabatas.

Kamakailan ay nagpalabas ang CoA ng special audit report na nagbunyag na ilang mambabatas ang nagbigay ng kanilang pork barrel funds o Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa bogus non-government organizations na sinasabing binuo ni Napoles.

Si Napoles ay inaakusahang nagbuo ng pekeng NGOs sa pakikipagsabwatan sa mga mambabatas upang mai-bulsa ang public funds.

Isinampa na sa Office of the Ombudsman ang kasong plunder, graft at malversation laban kay Napoles, sa tatlong senador at ilang mga kongresista.                      (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *