Wednesday , April 17 2024

Sakang at piki, ‘di na kailangang ipa-opera

SA Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV ay itatampok ang isang Korean clinic sa Makati City.  Dito’y may Yakson Myunga proseso na makapagtutuwid ng mga binting sakang o piki na ‘di kailangang gamitan ng operasyon.

Para rin sa katawan at isipa’y ipapayo ni Mader Ricky ang Yoga.

Dadalhin niya tayo sa isang clinic na dinarayo ng mga nagnanais maging malusog at manatiling maganda ang hubog ng katawan.

Para sa mga dumaraing ng pagod, depresyon, at kalungkutan ay dadalhin tayo ng GRR TNT crew sa isang retreat house sa Tagaytay.

Naghahandog ito ng pambihira at komportableng pahingahan, mga gawaing nakakrerelaks at ang paglalapit sa kalikasan sa mga taong naging abala sa kanilang mga gawain sa magulong lungsod.

Para mawala ang pagkainip ay isang Pinay ang nahilig sa pagbuo ng iba’t ibang puzzle. Bisita ang babae sa show at ipakikita niya ang kanyang Puzzle Mansion na binigyang-parangal ng Guinness Book of World Records. Hahanga kayo sa mga puzzle na ginawa niya at naka-display. Ang mga ito ang lumutas ng problema niyang pagkasawa at pagkainip.

Siyempre pa, ang ehersisyo ay dapat sabayan ng wastong pagkain.  Dadayuhin natin ang Cucina Ni Bunso para sa segment na Cooking With Bunso na idedemo ni Chef Mel Martinez ang masasarap at masusustansiyang pagkaing siya mismo ang nagluluto.

Basta pagpapabyuti, pangangalaga sa sarili, at todong tips pangkalusugan, tutok lang sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision.

Basta si Mader bonggang isyu ang kinakarir tuwing Sabado.

About hataw tabloid

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *