Wednesday , April 24 2024

Cristine at Rayver, may sex video scandal?

NATAWA kami nang mayroong magsabi sa amin na mayroon daw sex video scandal sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Napa-”What?” talaga kami when we first heard it.

To begin with, kung mayroon nga silang sex video, dapat ay matagal na ‘yang pinagpiyestahan ngayon sa social media.

Isa pa, Rayver is so conservative at tiyak na hindi siya papayag na gumawa ng ganoon.

One more thing pa, wala namang lumalabas na ebidensiya kaya mahirap talagang paniwalaan ang tsismis na ito sa ex-couple.

Ang feeling namin, baka may ka-look-alike lang ang dalawa and people have mistaken them for their look-alikes.

Anyway, hindi naman siguro seseryosohin nina Cristine at Rayver ang chikang ito dahil malayo sa katotohanan.

Nora, muling nagpakita ng galing sa Ang Kuwento ni Mabuti

SAW Ang Kuwento ni Mabuti dahil na rin sa imbitasyon ni Pit Maliksi, isang avid Noranian.

Kuhang-kuha ni Nora ang nuances ng kanyang character. As a barrio healer ay akmang-akma ang kanyang salita at kilos. Talagang matindi ang kanyang immersion sa kanyang character.

Hindi na kami nagtaka when Mes de Guzman, the director, shared na si Nora ang nag-suggest na gawing Ilocano lahat ng  dialogue sa pelikula. Ganoon kagaling si Nora mag-isip bilang artista.

As usual, Nora’s eyes convey so much emotion that she hardly had to move. Sapat na ang kanyang mga mata para sabihin ang mensaheng gusto niyang ibigay sa manonood.

Actually, siya lang yata ang may ganoong kakayahan. Wala kasing ganitong capability sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Gina Alajar, Hilda Koronel, at  kung sino-sino pa.

Simple lang ang kuwento ni Mabuti, about a barrio healer na nakakuha ng milyong piso dahil sa isang trahedya.

Kuhang-kuha ni Nora ang emosyon ng isang babaeng hindi malaman ang gagawin sa malaking perang biglang napasakanya. What she gave was a non-acting acting. Maging ang iba pang cast members ay ganoon din.

We will not be surprised if Nora wins best actress award for her performance in this movie.

Alex Brosas

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *