Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Suspensyon sa Zambo Airport operations pinalawig ng CAAP

Suspensyon sa Zambo Airport operations pinalawig ng CAAP

PINALAWIG ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang suspensyon sa operasyon ng Zamboanga Airport mula Setyembre 17 hanggang 21, 2013 bunsod ng kasalukuyang sitwas-yon sa Zamboanga.

Bunsod nito, ang sumusunod na CEB flights ay kanselado mula Setyembre 17 hanggang 21, 2013: 5J 851/852 Manila-Zamboanga-Manila; 5J 855/856 Manila-Zamboanga-Manila; 5J 859/860 Manila-Zamboanga-Manila; 5J 857/858 Manila-Zamboanga-Manila; 5J 433/434 Cebu-Zamboanga-Cebu; 5J 393/394 Davao-Zamboanga-Davao; 5J 839/840 Zamboanga – Tawi-Tawi – Zamboanga; at 5J 845/844 Cagayan de Oro – Zamboanga – Cagayan de Oro.

READ MORE:  Ama tiklo sa pasalubong na shabu

Ang lahat ng CEB passengers na apektado ng nasabing kanselasyon ay maaaring mag-avail ng sumusu-nod na opsyon: rebooking ng flights for travel sa loob ng 30 araw mula sa original departure date nang walang multa, full travel fund o full refund. Maaari rin i-reroute ang flights sa pinakamalapit na alternate station sa Zamboanga.

READ MORE:  Paglahok sa ‘war vs drugs’ ng militar pinamamadali ni Duterte

Ang mga pasahero ay maaaring tumawag sa (02)7020-888 o (032)230-8888 para sa kanilang napiling opsyon, ano mang oras maging makaraan ang kanilang flights. Umaasa ang CEB na mauunawaan ng mga pasahero na ang sitwasyon ay hindi kontrolado ng airline. Magpapatuloy ang CEB sa pagkakaloob ng updates sa mga pasahero.

READ MORE:  2 parak nagbarilan (Dahil sa gitgitan sa kalye)

(G.M.GALUNO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved