Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / DSWD walang foresight?!

DSWD walang foresight?!

00 Bulabugin
‘YAN ang madalas nating napupuna sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Considering na sana ay eksperto sila sa iba’t ibang uri ng sitwasyon lalo sa panahon ng ‘EMERGENCY.’

Hindi man lang ba na-anticipate ni Secretary Donky éste’ Dinky Soliman na lalala ang sitwasyon sa Zamboanga?

READ MORE:  Paihi kings ng Bataan namamayagpag na naman!

Hindi man lang ba niya nabilang kung ilan ang mga residente sa bawat barangay at hindi man lang ba niya na-scout kung saan-saan lugar pwedeng maglagay ng evacuation center?!

Hindi ba dapat ay may kapangyarihan ang DSWD na kontrolin ang government food agencies sa ganitong mga panahon para tiyakin na hindi magugutom ang evacuees?!

READ MORE:  Kolorum na online casino sa PEZA accredited buildings ipinabubusisi ni Pang. Digong

‘Eto na naman tayo, ‘BASIC TASK’ lang naman ‘yan Secretary Dinky.

Hindi naman unexpected task ‘yan ‘di ba?

Hanggang kailan kaya ninyo pakakainin ng INSTANT NOODLES at 3 lata ng sardinas ang evacuees?

Kapag minamanas na sila o kaya kapag naapektohan na ang kidneys nila?

READ MORE:  Bagong hepe bagong pakilala bagong tara? (Dating hepeng si Dani Sta. Maria sinibak na)

Madam Dinky, hindi ba’t MILYON-MILYON ang pondo ng DSWD at priority agency kayo under Noynoy’s administration?

ANYAREEEE?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved