Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dayuhan sa protesta binalaan ng BI

Dayuhan sa protesta binalaan ng BI

BINALAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan  sa paglahok sa mga kilos-protesta at iba pang mass actions kaugnay sa pork barrel.

Kabilang din sa  mga pinaalalahanan ni  BI Officer-in-Charge Siegfred Mison ang mga  tourist visa holders na sakaling sumali sa mga rally sila ay mapatatalsik bunsod ng paglabag sa Immigration laws ng bansa.

READ MORE:  4 bading pumuga sa Iloilo

Katuwang ng BI sa pag-monitor  sa mga dayuhan ang Philippine National Police (PNP) sa pagtukoy sa mga dayuhan na kabilang sa mga nagrarali.

“As we have repeatedly stated, foreigners have no business joining these rallies as the act amounts to violating the conditions of their stay as tourists,” ani Mison.

READ MORE:  12 kg Shabu itinuro sa SOCO

Pinalabas ni Mison ang kautusan  kasunod ng pagkakahuli sa  Canadian student na si Kim-Chatillon Meunier, na nakunan ng larawan  na kabilang sa anti-SONA rally noong July 26, 2013  malapit sa  Batasang Pambansa.

READ MORE:  Pagkamatay ng ASG member, ipinabubusisi ni Gen. Bato

Bukod kay  Meunier, noong Agosto, ipinatapon ang  Dutch activist na si Thomas Van Beersum, napanood sa video  ng naturang anti-SONA rally habang pinagtatawanan  ang isang police Marikina  na  umiiyak.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved