Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 dalagita tinangay ng alon, 1 nalunod (Trahedya sa family excursion)

2 dalagita tinangay ng alon, 1 nalunod (Trahedya sa family excursion)

NAGA CITY-Nauwi sa trahedya ang family excursion sa isang beach resort sa Balogo, Pasacao, Camarines Sur.

Ito’y matapos tangayin ng malaking alon ang mga biktimang sina Hannie Grace Cabangon, 17, at Danica Atacador, 12, kapwa residente ng kalapit na bayan ng San Fernando.

READ MORE:  2 bagets tiklo sa damo

Ayon sa ulat, masayang naliligo ang dalawa malapit lamang sa dalampasigan nang biglang hampasin ng malakas na alon at tinangay sila 15 metro ang layo mula sa baybayin.

READ MORE:  Gov’t employee itinumba sa palengke

Sinaklolohan ang dalawang dalagita ng kanilang mga kaanak at isinugod sa pagamutan.

READ MORE:  Minura si Father 3 senglot arestado

Ngunit hindi na umabot nang buhay si Cabangon habang nakaligtas naman si Atacador.

(BETH JULIAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved