Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Neneng pinulutan ng lasing

Neneng pinulutan ng lasing

SWAK sa kulungan ang lalaki matapos lasingin at gahasain ang 16-anyos dalagitang kasintahan sa Malabon City kahapon ng madaling araw

Kinilala ang suspek na si Raymond Cordero, 21, ng Kaunlaran St., Brgy. Muzon ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R. A. 7610 (Child Abuse).

READ MORE:  Iregularidad sa bakuna itinanggi ni Ona

Batay sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon Police, dakong 12:05 a.m. nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek sa Larcola St., Brgy. Concepcion.

READ MORE:  OFWs na nakakulong iimbentaryohin

Kaarawan ng suspek at imbitado ang biktimang si Shane na kanyang kasinta-han.

Nang malasing ang biktima ay nakatulog ngunit nagising na ginagahasa na ng suspek.

Nanlaban ang biktima ngunit wala siyang nagawa sa lakas ng suspek hanggang makaraos ang lalaki.

READ MORE:  Duterte duwag traidor (17 bank accounts buksan, Kapag hindi lumaban sa hamon ng GPPM)

Nang makauwi sa kanilang bahay ay agad nagsumbong sa kanyang mga magulang ang biktima na mabilis namang ipinadakip sa mga pulis ang suspek.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved