Saturday , April 20 2024

Galema: Anak ni Zuma, tiyak na maghi-hit (Direk Wenn, alam ang pulso ng masa)

TALAGANG ang TV, kagaya rin naman ng mga pelikula ay hindi pa  nakakawala sa tinatawag na literary cinema. Mas click kung ang kuwento sa TV o sa pelikula ay una nang nabasa ng mga tao. Kasi iyang mga nanonood, kung alam na nila ang kuwento, nagkakaroon sila ng feeling of superiority eh. Kasi anticipated na nga nila ang mga pangyayari.

Tingnan ninyo kung hindi. Ang pinakamalalaking hits na pelikula natin ay may kuwentong galing sa komiks. Kung hindi man, true to life story na lumabas sa mga diyaryo.

Palagay namin iyan din ang paniniwala ng ABS-CBN kaya binuhay nila ulit iyong kuwento ni Galema, Anak ni Zuma. Mula iyan sa isang nobela sa komiks ni Jim Fernandez. Tungkol iyan sa isang character na hango sa mga Aztec na may malaking ahas sa batok, si Zuma. Nang mag-click iyon, dinugtungan pa iyon ng Anak ni Zuma, iyan ngang si Galema. Naisalin na rin iyan sa pelikula noong araw, pero ngayon nga ay gagawin na rin sa telebisyon na ang bida ay si Andi Eigenmann.

Wala kaming duda na magagampanan naman ni Andi nang mahusay ang role na iyan. Magaling naman siyang aktres. Sa ngayon ay wala na ring imposible sa telebisyon, dahil gumagamit na nga sila ng pinakamakabagong system sa opticals. Iyang ABS-CBN, sila ang may pinaka-kompletong facilities para sa opticals kaya iyon ngang mga pelikulang fantasy, sa kanila rin ipinagagawa ang mga computer imaging requirements.

Ang isa pang advantage niyang Galema, ang kanilang director ay isang commercial film and TV director, si Wenn Deramas. Ibig sabihin kuha niya ang pulso, at alam niya kung ano ang talagang gustong mapanood ng masa. Kaya kung pag-aaralan mo ang lahat ng mga elementong iyan, tiyak na isang malaking hit na naman ang kanilang ilalabas na maaaring gumiba ng day time supremacy ng ibang networks.
Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *