Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Buntis na GRO utas sa martilyo

Buntis na GRO utas sa martilyo

PATAY na nang ma-tagpuan ang buntis na guest relations officer (GRO) sanhi ng pagkabasag ng bungo dahil sa paghataw ng mar-tilyo sa Caloocan City kamakalawa ng mada-ling-araw.

Kinilala ang biktimang si Lorilyn Obiego, 29, residente ng Manggahan, Brgy. 186, Malaria ng nasabing lungsod.

READ MORE:  Lolo napisak sa natumbang puno sa GenSan

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang isang lalaking kinilalang si alyas Rolly na kalapit kwarto ng biktima, upang magbigay ng linaw sa insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 5:45 a.m. nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng inuupahang kwarto ng suspek sa nasabing lugar.

READ MORE:  Gulo sa EARIST ‘di alam ng Palasyo

Sa salaysay ng may-ari ng paupahan na si Rocky Lada, dala-wang oras bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay dumaan sa kanya si Rolly na may dalang bag at sinabing may pupuntahan lamang.

READ MORE:  Political career ni Bato nakasalalay sa BuCor

Inaalam pa rin ng pulisya kung ginahasa ng suspek ang biktima bago hinataw ng mar-tilyong natagpuang duguan sa tabi ng bangkay.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved