Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Alibi’ ni ‘Sexy’ Jinggoy alibi na alibi…

‘Alibi’ ni ‘Sexy’ Jinggoy alibi na alibi…

00 Bulabugin

TALAGA naman …

Huling-huli na humuhulagpos pa.

Meron ba namang ‘relasyong photo-ops lang’ pero nag-iimbitahan sa kani-kanilang private parties?!

Anak ng jueteng naman talaga!

Kaya kayo nasisilat ‘e … lakas n’yo nang mang-umit, ang tibay pa ng sikmura ninyong magsinungaling.

‘E parang dinikdikan n’yo pa ng ‘ASIN’ ang nagnanaknak nang sugat ng sambayanan.

Hindi pa nga nakaaahon ang inyong kredebilidad dahil convicted sa kasong PLUNDER ang erpat mo ‘e, ayan na naman, sunod-sunod pa kayong tatlong EJERCITO ESTRADA na nasasangkot na naman sa nawawalang pondo ng sambayanan.

Una ang utol mo sa bas-la na si Senator JV Ejercito na natuklasang mayroon palang secret offshore corporations sa British Virgin Islands (BVI).

READ MORE:  PDEA tagumpay sa isinulong na drug war (Sa loob ng 100 araw)

Dito umano ngayon itinatago ng mga mayayaman sa buong mundo ang kanilang kwarta para maitago sa mata ng publiko at ng mga awtoridad.

At ngayon nga, natuklasan ng Commission on Audit na isa ka, Senator JINGGOY sa mga naglaan ng iyong pork barrel sa isang bogus na non-government organization (NGOS) na kasama doon sa mga binuo ni Napoles.

Ang ‘ALIBI’ ng senador ‘e hindi naman daw sila nakikialam kung sa anong NGO ilalaan ang kanilang PDAF.

READ MORE:  Ang laos na ‘papogi’ ni MMDA chair Tom Orbos

Come again, Mr. Senator?!

Pondo ng bayan tapos hindi ninyo inaalam kung saan napupunta?!

SonaPDAF!!!

‘E talaga palang hindi ka dapat pagkatiwalaan sa posisyon mong ‘yan.

Kung hindi mo nga inaalam kung saan napupunta ang taxpayers’ money ‘e dapat talagang huwag ka nang iboto sa ano mang public office.

ALIBI na ALIBI naman ‘yang rason ninyo!

Sino naman ang maniniwala na ang mga retratong naglalabasan ‘e ‘photo-ops lang.’

Inimbita ninyo ang mga Napoles sa graduation rites ng anak mo at kayo sa isang private party ng mga Napoles tapos sasabihin ninyong photo ops lang?!

READ MORE:  ‘Recognition as Filipino for sale’ imbestigahan na!

‘E kitang-kita naman sa mga hawakan at akbayan ninyo na mayroon na kayong ‘malalim’ at matagal nang relasyon.

Kung gaano man kalalim ‘yang relasyon na ‘yan ‘e dapat lang na mahalukay ng Senate Blue Ribbon committee at ng Department of Justice.

Kapag dumating ang pagkakataon na iyon, tingnan natin kung talagang  ‘photo ops’ nga lang ang relasyon ninyo sa mga Napoles.

Aabangan po natin ‘yan.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com
COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved