Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Police asset itinumba sa harap ni misis

Police asset itinumba sa harap ni misis

LAGUNA – Agad binawian ng buhay ang isang hinihinalang asset ng pulis makaraang pagbabarilin sa harap ng kanyang misis ng dalawang hindi nakilalang salarin kamakalawa sa San Vicente Road, Brgy. San Vicente, bayan ng San Pedro.

READ MORE:  Zambo police chief humakot ng ‘suko’ mula sa MNLF (Akala ay hostage)

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Neil Depano, 40, naninirahan sa Bonifacio Street, Purok 1, Brgy. Magsaysay ng nabanggit na lugar. Ayon sa ulat, dakong 8:30 p.m. habang ang biktima at ang misis niyang si Rhodora Depano, 39, sales clerk, ay lulan ng motorsiklo nang paputukan ng mga suspek ngunit hindi sila tinamaan.

READ MORE:  2,177 biktima grabe sa HIV-AIDS

Gayonman, patuloy pa rin silang hinabol ng mga salarin na lulan din ng motorsiklo ngunit nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Depano kaya bumangga sa isang kotse. Sumakay ang biktima sa jeep ngunit hinabol pa rin sila ng mga salarin at muling pinaputukan si Depano na kanyang ikinamatay.

READ MORE:  Misis ng negosyanteng Bombay nagpakamatay (indian couple inambus, 1 tepok)

(BOY PALATINO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved