Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Judy Ann, excited makapag-host ng game show

TINAPOS na ni Judy Ann Santos-Agoncillo ang mga haka-hakang iiwanan na niya angABS-CBN matapos muling pumirma noong Miyerkoles (Setyembre 11) ng isang two-year contract sa Kapamilya Network.

Ani Juday, pinakinggan naman niya ang alok ng ibang estasyon. ”’Yung mga pakikipag-usap namin sa ibangeistasyon at mga alok nilang proyekto, andiyan naman kami para makinig. Pero sa bandang huli, hindi natin maitatanggi na isa akong Kapamilya at ang ABS-CBN ang una sa prioridad ko.”

Bahagi ng pinirmahang kontrata ni Juday ang pagiging host nito sa pinakabagong game show na Bet on Your Baby ng Dreamscape ni Deo Endrinal.

“Isa po tong reality game show na mga batang may edad dalawa hanggang tatlo’t kalahati ang mga kasali. Excited ako kasi mula sa drama, binigyan naman ako ng pagkakataon ng ABS-CBN na mag-host ng game show,” sabi ni Juday.

Dumalo sa pirmahan ng kontrata ang  TV production head ng ABS-CBN na si Laurenti Dyogi, broadcast head na si Cory Vidanes, presidente at CEO na si Charo Santos-Concio, at talent manager na si Alfie Lorenzo.

Malapit nang mapanood ang Bet On Your Baby sa ABS-CBN.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …