Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Impeachment vs PNoy inismol ng Palasyo (Solons nagpapasiklab lang)

Impeachment vs PNoy inismol ng Palasyo (Solons nagpapasiklab lang)

NAGPAPASIKLAB lang ang mga mambabatas na nais maghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno Aquino  III at nais ilihis ang atensyon ng publiko sa pork barrel scam, ayon sa Palasyo.

“Well, they are lawmakers and they are entitled to file those actions in the law. We respect that. But we also believe that the public will see through this as a simple publicity stunt aimed at misdirecting public attention,” sabi kahapon ni Communications Secretary Ricky Carandang.

Inihayag ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) partylist Rep. Antonio Tinio na balak niyang maghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino sa Kongreso dahil pinabayaang magpatuloy sa ilalim ng kanyang administrasyon ang pagawawaldas sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas.

READ MORE:  OT pay sa BI officers hinarang sa Cabinet meeting — Aguirre

“There is absolutely no legal or moral basis to impeach the President and I think—I don’t think anybody would agree  that would have any basis,” dagdag ni Carandang.

“The public has been given revelations about alleged corruption in the spending of PDAF. And, I think, there are certain parties who are trying to misdirect it, for one reason or another, towards the President,” ani Carandang.

READ MORE:  Walang sasantohin sa BI exec probe — Malacañang

Binigyang-diin niya na kahit kailan ay hindi naakusahan ang Pangulo na ginasta nang hindi tama ang pera ng bayan at wala rin siyang PDAF tulad ng mga mambabatas.

(ROSE NOVENARIO)

Kasama  si Jeanette Napoles

PAGLABAS NG PHOTO OPS NI PNOY PALASYO DUDA SA TIMING

DUDA ang Malacañang sa tiyempo ng paglalabas ng litrato ni Pangulong Benigno Aquino III kasama si Jeanette Napoles, bunsong anak ng utak ng P10-B pork barrel scam na si Janet Lim Napoles, dahil naganap ito sa panahong isasampa na ng pamahalaan ang mga kaukulang kaso laban sa mga nasa likod ng nasabing isyu.

READ MORE:  Sinita dahil hubad namaril utas sa parak

Ito ang sinabi kahapon ni Communications Secretary Ricky Carandang ngunit idiniing wala siyang ideya kung sino ang nasa likod nito.

Nauna nang inamin ng Palasyo na orihinal ang naturang larawan na kuha noong Nobyembre 30, 2012 sa Cebu City sa pagtitipon ng Simbahang Katoliko sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod.

Pinanindigan ng Malacañang na hindi kilala nang personal ni Aquino ang mga Napoles.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved