Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Anim-na-libong pisong katarungan para sa mga pasahero ng MV Thomas Aquinas

Anim-na-libong pisong katarungan para sa mga pasahero ng MV Thomas Aquinas

00 Bulabugin
TOTOONG walang nagnanais na lumubog ang isang barko lalo na ang mga may-ari nito.

Ayaw ng may-ari na lumubog ang barko dahil s’yempre perhuwisyo sa negosyo nila ‘yan.

Pero mas lalong ayaw ng trahedya ng mga pasahero para sa sarili nila at sa mga mahal sa bu hay kaya nga pumipili sila ng magagandang barko o ferry tuwing maglalakbay sa karagatan patungo sa kanilang destinasyon.

Pero kapag may nangyaring ganyang insidente normal na magbayad ang may-ari ng barko o ferry sa mga biktima.

At sa bahaging ito, sumasama ang loob ng mga pasahero at kaanak ng mga namatay na pasahero ng ferry ng 2GO (MV THOMAS AQUINAS) na nakabanggaan ng cargo vessel ng MV Sulpicio Express nakaraang Agosto 17 (2013).

READ MORE:  Pondo ng PDEA dagdagan, DDB bawasan!

Alam n’yo bang ang nais lang ipagkaloob ng 2Go sa mga biktima at sa kaanak nila ay P6,000 at kapalit nito ay pinapipirma pa sa isang waiver na pinalalaya na nila sa anomang responsibilidad ang kompanyang 2GO ni MANNY PANGILINAN?!

Hindi ba naiisip ng 2Go na hindi ‘PERA’ lang ang pinag-uusapan dito kundi ang pakiramdam na hindi lang basta nakikiramay kundi ang maiparamdam sa kanila na humihingi ng paumanhin ang may-ari ng ferry sa mga biktima at kaanak nila?!

READ MORE:  Hustisya para sa mga Tayabasin tuluyan na bang ibinasura ng Sandiganbayan 4th division?

E ‘yang inaalok ng 2Go na P6,000 ay isang malaking ‘INSULTO’ sa mga survivor, biktima at kaanak nila at pagkatapos ay palalagdain sa waiver?!

Hindi n’yo na nga maiparamdam ang taos puso ninyong paghingi ng paumanhin at pag-aalala ‘e ginagawa pa ninyong mukhang timawa ‘yung mga tao.

Sa laki ng insulto nga ng mga pasahero at kaanak ng mga namatay ay sumulat sila kay Mr. Manny Pangilinan. Pero mukhang ‘wala-wala lang’ dahil kahit na sagot na ‘HINDI’ ay walang nakararating sa kanila.

Lumapit sila sa television network na GMA7 at TV5 pero mukhang TINABLA lang talaga sila.

READ MORE:  Online gambling ipinakakansela na ni Presidente Digong

Ang kabuuang bilang ng pasahero ng MV Thomas Aquinas ay 752 katao kabilang na ang mga bata at sanggol plus 118 crew.

Sa huling ulat, lampas na sa 100 ang na-recover na bangkay sa nasabing trahedya …

Pero hanggang ngayon ay wala pa rin balita ang mga pasaherong nakaligtas at mga kaanak ng biktima kung mararamdaman ba nila ang malasakit ng 2Go.

MR. MANNY PANGILINAN, magbayad ka nang tama!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved