Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Hindi pala sanay magsinungaling si Senator Franklin Drilon?! (Buking kaagad!)

Hindi pala sanay magsinungaling si Senator Franklin Drilon?! (Buking kaagad!)

00 Bulabugin
KUNG mayroon mga opisyal ng gobyerno na walang kurap kung magsinungaling (ang ibig kong sabihin ‘e ‘yung hindi ninyo mahahalatang nagsisinungaling dahil talagang hindi gumagalaw ang mga mata at kayang makipagtitigan sa kausap niya) ‘e meron din naman palang madaling mahuli dahil hindi CONSISTENT ang mga sinasabi.

Gaya na lang nga nitong si Senate President Franklin ‘dribol’ este Drilon.

Noong unang naglabasan ang photo niya katabi si Janet Lim Napoles sa isang photo op, tigas na tanggi ni Senator dribol ‘este’ Drilon na kilala niya si Janet Lim Napoles o kung sino man sa pamilya nila.

READ MORE:  Sen. Chiz Escudero ayaw na sa VP  na may letrang B

Dahil public figure raw sila, marami raw talaga ang gustong magpakuha ng picture katabi sila.

Gano’n ba?

E ano ‘tong bagong photo na magkakasama sila ng mag-asawang Napoles at ng misis niya?!

Ano ba naman, Senator ‘dribol’ este Drilon, magsisinungaling ka rin lang naman ‘e hindi mo pa hinusayan?!

READ MORE:  Anyare kay Digong Duterte?

‘E mantakin mong magkasama pala sa kanilang mga aktibidad sa mga pari  ang misis mo at si Janet ‘PDAF’ Scam?     Tapos sasabihin mong hindi kayo magkakilala?

Hindi po talaga bagay sa iyo ang magsinungaling ‘e kasi ba naman huling-huli ka sa kasinungalingan mo!

Mahirap talagang makipag-usap sa mga politiko.

Napakahuhusay nilang magsinungaling at magtakip ng kasinungalingan.

Sino pa kaya ang mga politikong may lulutang na ‘retratong’ nagpapakita ng asosasyon nila kay Napoles?!

READ MORE:  Namimili ba ng lilinisin ang Manila City Hall?!

Abang-abang lang po, dear readers kapag may time … dahil t’yak marami pang maglalabasan …

Abangan natin kung tama ang memorya ni Pangulong NOYNOY na wala silang retrato ni Napoles …

O ‘yung mga may retrato kasama si Napoles…kabahan na kayo riyan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved