Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pumalag sa halay dalagita kinatay

Pumalag sa halay dalagita kinatay

DAGUPAN CITY – Patay ang isang 16-anyos dalagita makaraang saksakin ng 17 beses sa kanyang leeg ng hinihinalang rapist sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Awag, Anda sa lalawigan ng Pangasinan.

Duguan at wala nang buhay ang biktimang si Maria Julie Carlit nang matagpuan ng kanyang mga kaanak.

READ MORE:  PH libre vs Ebola – Palasyo

Ayon sa mga kaanak niya, tila binigti pa ang dalagita gamit ang du-yan na nasa sala.

Bago ang insidente, naulinigan ng mga kapitbahay na may kausap sa cellphone ang biktima at umiiyak. Pagkaraan ay nakita nilang umuwi na sa kanilang bahay ang biktima.

READ MORE:  Magbiyenan todas sa ambush sa Rizal

Napag-alaman mag-isa lamang na namumuhay ang dalagita dahil patay na ang kanyang mga magulang habang nasa ibang lugar na ang kanyang mga kapatid.

READ MORE:  CamSur ex-mayor sabit sa fertilizer scam

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, posi-bleng panggagahasa ang motibo pero nanlaban ang biktima kaya pinatay ng suspek. (HNT)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved