Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pork barrel probe lalawak pa

Pork barrel probe lalawak pa

NAIS palawakin ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang pagbusisi sa iba pang non-governmental organizations bukod sa mga foundation na kinasasangkutan ni Janet Lim-napoles kaugnay ng kontrobersyal na multi-billion peso pork barrel funds.

Ito ay matapos umalma ang opposition senators kung bakit ang walong NGOs lamang na sangkot kay Napoles ang binubusisi ng Senate blue ribbon committee at paulit-ulit na nakakaladkad ang kanilang mga pangalan, samantala nabunyag  sa COA report na may 74 pang NGOs ang kwestyonable na pinaglaanan ng pork barrel funds.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, inaasahan niyang ipatatawag na rin ng komite na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona III, ang iba pang NGOs na nabunyag na sabit din sa anomalya.

(NIÑO ACLAN)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved