Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / OFWs sa Syria dinagdagan ng sweldo ng employers (Mahirap pauwiin kahit may giyera)

OFWs sa Syria dinagdagan ng sweldo ng employers (Mahirap pauwiin kahit may giyera)

INAMIN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na  nahihirapan silang kombinsihin sa ginagawang repatriation sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Syria.

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, hirap sila sa pagpapalikas ng mga Pinoy sa Syria  dahil sa kanilang pabago-bagong desisyon.

READ MORE:  NANAWAGAN ang grupong Makabayan Bloc sa Supreme Court na...

Aniya, isang malaking hamon para sa DFA ang pagpapalikas sa OFWs na naiipit sa kaguluhan sa nasabing bansa.

Ani Hernandez , ikinakatuwiran umano ng OFWs doon na ligtas sila sa tahanan ng kanilang employers bukod pa sa tinaasan ang pasahod ng ilang employers dahilan upang magdalawang–isip na lumikas sila.

READ MORE:  Serial killer ng GROs arestado

Ayon kay Hernandez, undocumented ang karamihan sa 3,000 OFWs na hindi pa nagpaparehistro sa repatriation program ng pamahalaan kaya’t nahihirapan din sila.

READ MORE:  31 pamilya inilikas dahil sa sinkhole

Samantala, sa datos ng ahensya  aabot na sa halos 5,000 OFWs ang kanilang napapauwi mula Syria.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved