Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Art director na-basag-kotse sa Pasig City

Art director na-basag-kotse sa Pasig City

DUMULOG sa himpilan ng pulisya ang isang art director kaugnay ng pagkawala ng kanyang gamit sa loob ng kanyang kotse nang umatake ang “basag-kotse gang” kahapon sa Pasig City.

Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS) ng Pasig City Police ang biktimang si Jose Maria David, 26 anyos, residente ng Unit 2609 City Land, Vito Cruz Tower I, 720 P. Ocampo Ave., Malate, Maynila.

READ MORE:  Guro sibak sa sex video

Natangay sa loob ng sasakyan ang Lenovo Laptop, P50,000; Adidas rubber shoes; laptop bag; office notebook at P6,000 cash.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga kahapon nang iparada niya ang kanyang Chevrolet Cruze, may plakang USO-242  sa Metro Parking Area, sa Ortigas Center, Pasig City.

READ MORE:  8-anyos nene niluray ng kapitbahay

Ayon sa biktima, pagka-park ng kanyang sasakyan, nagtungo siya sa  Corinthian Executive Building na di kalayuan sa parking area.

Laking gulat na lamang ng biktima nang balikan niya ang sasakyan na basag na ang salamin sa passenger seat at nawawala ang nasabing mga gamit at ang mga papeles nito.

READ MORE:  20 kaso laban sa Espinosa drug group isinampa na

Hindi ito ang unang insidente ng basag-kotse sa nasabing lugar na tila mahina ang seguridad sa panig ng pulisya lalo na sa Ortigas center na  sentro ng kalakalan.

(MIKKO BAYLON)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved