Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pinay nurse nagmana ng US$60-M sa kanong centenarian

Pinay nurse nagmana ng US$60-M sa kanong centenarian

090913_FRONT
ROXAS CITY – Isang Pinay nurse na nagtatrabaho sa Amerika ang pinamanahan ng namatay na employer na nag-iisang may-ari ng copper mining company sa Estados Unidos.

Kinilala ang Filipina nurse na si Gicela Oloroso, 58, anak ng dating alkalde ng Brgy. Bilao, bayan ng Sapian sa Capiz na nanungkulan mula 1968 hanggang1971.

Si Oloroso,  ay naninirahan na sa Amerika kasama ang asawa na si Daniel Peri, Israeli immigrant at taxi driver sa New York at may tatlong anak.

READ MORE:  Ahensiya ng bigas mabubuwag

Napag-alaman na nagtrabaho bilang nurse si Oloroso matapos mag-migrate sa Amerika at itinalaga na mag-alaga kay Huguette Clark ng pinasukan na ahensya noong 1991.

Naging magkaibigan at nagsilbing loyal companion ni Clark na walang anak ang Pinay nurse na siyang nag-alaga sa kanya sa loob ng dalawang dekada hanggang namatay si Clark sa ospital sa edad na 104.

READ MORE:  Jinggoy bisita sa B-day ni Enrile

Matagal bago nakilala na isang Filipina at Capizeña si Oloroso dahil kilala siya sa kanyang Jewish name na si Hadassah Peri matapos magpa-convert sa Orthodox Judaism nang magpakasal kay Daniel Peri.

Sa pagsisikap ng NBC Universal investigative reporter na si Bill Dedman, nalaman niya ang pinanggalingan ng nurse na magmamana ng maraming bahay at sasakyan kasama na ang cash na umaabot sa $30 milyon. Base sa last will and testament ni Clark, mapupunta kay Oloroso ang $30 milyon na kanyang mga ari-arian kasama na rito ang mga bahay at sasakyan gayondin tatanggap siya ng $30 million cash.

READ MORE:  Bebot pinagamit ng shabu bago tinurbo

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved