Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kaso vs ‘pork’ solons ibabatay sa ebidensya

Kaso vs ‘pork’ solons ibabatay sa ebidensya

AYAW ni Pangulong Benigno Aquino III na maisampa ang mga kaukulang kaso hinggil sa P10-B pork barrel scam para lamang sa pagpapapogi, kundi batay sa mga kongkretong ebidensya upang mahatulan ang mga nagkasala.

Ito’y dahil matibay ang paninindigan ng administrasyong Aquino na kailangang magkaroon ng hustisya sa natuklasang hindi tamang paggamit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas, ayon sa Malacañang.

READ MORE:  GRP at NPA magpapatupad ng SOMO (Magkatuwang vs terror groups)

“Mariin ang utos ng Pangulong Aquino doon sa imbestigasyon na kailangan matibay ang ebidensya, dahil ayaw po ng Pangulo ‘yung nagsasampa ng kaso para lang po sa PR lamang, ngunit ang gusto po ng Pangulo ay kapag isinampa po ang kaso laban sa isang indibidwal ay kailangan talagang makatatayo po ito at makakukuha ho ng isang conviction,” sabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

READ MORE:  Testimonya ni Tuason bullseye — Miriam

Sa kabila nito’y wala naman timeline na itinakda ang Pangulo para makasuhan ang mga nasa likod ng P10-B pork barrel scam at ipinauubaya na sa Department of Justice ang pagpapasya dahil prayoridad naman ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsisiyasat sa isyu.

Binigyang-diin ni Valte na ang mahalaga ay dumaan ito sa tamang proseso at hindi batay sa haka-hakang nakatuon lang sa mga kalaban sa politika ng administrasyong Aquino.

READ MORE:  32-pulis NCR na ipinatapon sa Mindanao isasabak vs ASG

“ Ang importante po ay pupunta ho tayo kung saan tayo dinadala ng ebidensya. Hindi ho pwedeng merong preconceived notions, hindi ho pwedeng merong preconceived assumptions at hahanapan po ng ebidensya para suportahan, dapat ho talaga ‘yung tamang proseso,” aniya.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved