Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kano natagpuang patay sa hotel

Kano natagpuang patay sa hotel

PATAY na nang matagpuan ang isang Kano sa loob ng tinutuluyang hotel sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Isidro Ortiz, 58, ng San Francisco, California at pansamantalang nanunuluyan sa Room 304 Lovely Moon Pensioner Inn sa 1718 J. Bacobo St., Malate, Maynila.

Sa report ni PO3 Mario Asilo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 12:20 ng hapon nang natagpuang patay ang biktima sa loob ng tinutuluyang hotel sa nasabing lugar  at hinihinalang may ilang araw nang patay.

Ayon kay Ronalyn Bravante, 21, room attendant, una niyang tinawagan sa telepono ang biktima upang ipaalam ang kanyang bill ngunit walang sumasagot dahilan upang puntahan na niya sa kuwarto.

Makailang beses kinatok ni Bravante ang pinto pero hindi pa rin sumasagot ang biktima kaya binuksan na nila sa pamamagitan ng duplicate key. Dito tumambad ang katawan ng biktima na nakahiga sa kama, walang saplot pang-itaas at hindi na humihinga.

September 4 pa nang huling makitang buhay ang biktima nang nagbayad ng kanyang hotel bills saka bumalik sa kanyang kuwarto.

Walang nakitang anomang sugat sa katawan ng biktima kaya pinaniniwalaang inatake sa puso.

Ang bangkay ng biktima ay nakalagak na sa Nathan Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.

(LEONARD BASILIO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved