Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / CCTV kay Napoles aalisin (Kung may court order)

CCTV kay Napoles aalisin (Kung may court order)

PINAYUHAN ng Philippine National Police (PNP) ang kampo ni Janet Lim Napoles na dumulog na lamang sa korte kaugnay sa pagkwestiyon sa ikinabit na closed-circuit television (CCTV) cameras sa palibot ng detention facility ng negosyante sa loob ng Fort Sto. Domingo sa Santa Rosa, Laguna.

Ayon kay PNP spokesperson Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, maaaring hilingin ng negosyante sa Makati Regional Trial Court na tanggalin ang mga camera, ngunit hangga’t wala aniyang kautusan ang korte ay mananatili ang mga CCTV.

READ MORE:  Galugad sa NBP ‘di titigilan – BuCor

“They (cameras) also do not violate privacy as these are installed at the receiving area and the perimeter,” ani Sindac.

READ MORE:  19-anyos estudyante nasagip sa kidnappers

Una rito, idinepensa ng Malacañang ang regular na updates ng PNP at paglalagay ng CCTV sa kulungan ni Napoles.

Una nang umalma si Attorney Lorna Kapunan sa arawang updates sa itinerary at pagpapalabas ng photos ng kanyang kliyente na ginagawa ng Philippine National Police.

READ MORE:  Serge: Chiz bagahe kay Grace

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ginagawa iyon ng PNP sa ngalan ng transparency dahil marami ang interesado kay Napoles.

Ayon kay Valte, wala naman silang nakikitang masama sa pagbibigay ng updates lalo sa mga nakabantay na media para maiwasan ang mga haka-hakang special treatment kay Napoles.

(BOY PALATINO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved