Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Alyas Dennis BIR natiyope na sa mga sabungan!

Alyas Dennis BIR natiyope na sa mga sabungan!

00 Bulabugin

BIGLANG-BIGLA raw ang pagha-HIBERNATE ni alyas DENNIS BIR sa mga SABUNGAN.

Kumbaga biglang nag-LIE LOW ang mahangot at mayabang na si Dennis BIR sa mga sabungan na kanyang pinupuntahan gaya sa lalawigan ng Rizal.

Siya po ‘yung ikinokolum natin na BIR employee, nakatalaga sa isang opisina sa Metro Manila pero mas madalas pang nakikita sa mga sabungan gaya sa Texas Cockpit sa Antipolo, San Roque sa Marikina, sa Santa  Monica Cockpit at sa San Juan Coliseum at ang entry name niya sa malalaking derby ay ‘yung KING INAMU.

READ MORE:  Hindi pa ba papalitan ang ACO sa Boracay BI field office?

Kung noong una ay IPINAGMAMALAKi ni alyas DENNIS ‘BIR’ na wala siyang ‘daga sa dibdib’ at hindi niya kailangan maghinay-hinay kapag nabunyag ang pandarayang ginagawa niya sa gobyerno lalo na ang kanyang walang sawa at tila sky’s the limit na pagsaSABONG, ngayon daw ‘e biglang hindi na lumutang sa mga sabungan si HANGOT.

READ MORE:  Paihi kings ng Bataan namamayagpag na naman!

Nitong nakaraang Biyernes daw ay hindi na nakita sa sabungan at maging ang kanyang pakonsiyerto sa Texas Cockpit sa Antipolo ay hindi na rin niya nasipot.

‘Yan ang sikat na sikat na si alyas Dennis BIR. Hindi ba’t marami nga ang nagtataka kung saan siya kumukuha ng milyon-milyong pamparada at pangpusta sa sabungan?

READ MORE:  Highest airport terminal fee pero bulok ang serbisyo! (Attn: DoTr Secretary Arthur Tugade)

Ngayon ka MAGPALIWANAG alyas DENNIS BIR! Saan ka kumukuha ng milyon-milyong pamparada sa sabungan at bakit sandamakmak ang bodyguards mo!

O ngayon, hindi pa ba DINADAGA ang DIBDIB mo?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved